^

Metro

Pre-need firm in trouble with Manila cops  

- Nestor Etolle -

Pinag-aaralan ng isang driver ang  pag­sa­sampa ng kaso sa Office of the Ombuds­man laban sa isang ahente ng National  Bu­reau of Investiga­tion na nag­pukpok ng baril sa kan­yang ulo nang mag­­kagitgitan sila sa trapiko sa Taft Avenue, Manila kamakalawa ng gabi.

Dumulog  sa  tang­ga­pan ng Manila Po­lice  Dis­trict-General As­sign­ment  Section ang  bikti­mang  si  George  La­gua, 36,  para  irek­lamo  ang  isang  Atty. Tabu  ng  NBI.

Ayon sa salaysay  ng biktima, minama­neho  umano  niya  ang  To­yota  Tamaraw na  may pla­kang WMK-371 nang  ma­kagitgitan niya ang  sasakyan  ng  NBI  agent  na  Honda  Civic  na  puti  at  may  pla­ kang  WMF-416  sa  may  Lawton.

Pagsapit  sa  NBI  Headquarters  ay  bu­ma­­ba  si  Tabu  na sakay  ang anim na  iba  pa  at  nang  bumaba  si  Lagua  ay kaagad siyang pi­nalo ng  una ng  baril  sa  ulo.

Aniya, makikipag-usap sana siya nang ma­ayos kay Tabu su­balit agad naman siyang sinaktan nito. (Doris M. Franche)

DORIS M

GENERAL AS

MANILA PO

OFFICE OF THE OMBUDS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with