weather forecast
Patay ang deputy chief ng
Nakilala ang biktima na si P/Supt. Joven Bocalbos, nakatalaga sa Makati Police Station. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa ulo na sanhi ng kanyang kamatayan.
Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, dakong alas-8 ng gabi nang ipang-sideline ni Bocalbos ang kanyang Nissan Urvan (XED-744) nang kumuha ng pasahero
Nagdeklara ng holdap ang mga suspek habang binabagtas ang kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Tandang Sora, Quezon City. Sinasabing kinapkapan ng isa sa mga suspek ang biktima at nang mabatid na may karga itong kalibre .45 ay saka ito binaril sa ulo. Minaneho naman ng mga suspek ang sasakyan at nagsibabaan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City. Isa naman sa mga naiwan na pasahero ang nagmaneho sa sasakyan at isinugod ang biktima sa MTEG Medical and Diagnostic Center kung saan hindi na ito umabot ng buhay.
Sinabi ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula na may deskripsyon na sila ngayon ng mga suspek base sa pahayag ng mga saksi at nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang kanyang mga tauhan upang makilala ang mga ito.
Inaalam rin ng pulisya kung mga ordinaryong holdaper ang mga suspek o mga bayarang hitman tulad ng pangamba ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Roberto Rosales. Ayon dito, nakakatanggap si Bocalbos ng maraming pagbabanta sa kanyang buhay at maraming kaaway na posibleng may motibo upang ipalikida ito. Nabatid na itinalaga bilang deputy chief ng Makati police si Bocalbos tatlong linggo pa lamang ang nakakaraan. Bago ito, nagsilbi itong intelligence officer ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
- Latest
- Trending