^

Metro

City Council approves P3M aid for dry spell affected barangays

-

Ipinagdiinan  kahapon sa korte mismo ng mga anak ni Mark Jimenez (MJ) na ang nasabing kontro­bersiyal na negosyante ang “mentally and psycho­logically insaned” o may problema sa pag-iisip at hindi ang kanilang madrasta na si Carol Castaneda na sinasabing pina-rehab ng huli.

Sa panayam ng PSN kay Virgilio Crespo na anak ni  MJ sa unang asawa nito matapos ang isinagawang pagdinig kahapon sa Taguig Regional Trial Court sa sala ni Judge Lorefel Pahimna ng Branch 69, nasaksi­han umano nila sa loob ng 30 taon na pagsasama ng kanyang ama at ni Carol ang ginawang kalupitan at pang-aabuso nito sa huli.

Ayon pa kay Virgilio na patu­tunayan din umano nila sa korte na mismong si MJ ang nagdu-droga at hindi si Carol.

“He is taking a lot of medicines at mismong siya pa ang dumidikta sa kanyang doktor kung ano ang gusto niyang inumin na gamot in fact he voluntarily called Carol mentally insaned “,  pahayag pa ni Virgilio.

Sinabi pa ni Virgilio na naaawa sila kay Carol dahil nasaksihan nila ang pagmamalupit at pang-aabuso sa kanya ni MJ sa loob ng mga taon ng kanilang pagsasama.

“We love you dad, tama na pakawalan mo na si Carol. No one believing you now. We have an adverse feeling and we fear for Carol’s life” pahayag pa ni Virgilio.

Humingi naman ng tulong kahapon sa media ang kampo ni Carol na tulungan silang kumbinsihin si MJ na pakawalan at ilabas na nito ang nasabing ginang.

Samantala, sa kabila ng patung-patong  na motion at inhibition na isinampa ng magkabilang panig sa korte ay nagpalabas naman ng “gag order”kahapon  ang nasabing korte kapwa para sa kampo ni MJ at Carol hinggil sa apela ng huli para gawing permanent protection ang isinampa nitong temporary protection. (Rose Tamayo-Tesoro)

CAROL

CAROL CASTANEDA

JUDGE LOREFEL PAHIMNA

MARK JIMENEZ

ROSE TAMAYO-TESORO

VIRGILIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with