^

Metro

You glow, girl

- PENNYLANE  By   Rebecca C. Rodriguez -

Hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag­baril sa sarili ang isang pulis matapos na matagpuang may tama ng bala sa sentido sa rooftop ng gusali ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) compound, kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Priscillo Prigne, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division ang nasawi  na si SPO2 Edgardo Domingo, 47, may-asawa, ng #2349-B Crisalita Street, San Andres Bukid, Maynila.  Nabatid na security aide ni Dangerous Drugs Board (DDB) chair­man Anselmo Avenido ang naturang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-4 ng madaling-araw sa rooftop ng apat na palapag na gusali ng PDEA sa may NIA Road, Brgy. Pinyahan, ng naturang lungsod.

Nabatid na isang putok ng baril ang umalingawngaw  at ilang sandali pa ay nadiskubre naman nina PDEA agent PO2 Benjamin Domingo at isang SPO1 Astillero ang bang­kay ng biktima na naliligo sa sariling dugo. Mismong si Avenido ang tumawag sa QCPD-Scene of the Crime Operatives upang rumesponde sa insidente.  Nadiskubre na nasawi si Domingo dahil sa tama ng bala sa kanang sentido na tumagos sa kabilang bahagi ng ulo.  Narekober rin ang kalibre .45 baril na ginamit sa naturang insidente.

Ayon kay SPO1   Prigne, lubha umanong naapektuhan ang biktima sa balita na iniipit ng National Police Com­mission ang kanyang promosyon na matagal nang naka­bimbin. Nagyaya pa itong mag-inuman sa mga kasama­han at paulit-ulit na binabanggit ang kanyang problema at mga dokumento na kailangan upang hindi ito ma-demote.

Duda naman si Avenido na magpapakamatay ang kanyang security aide dahil lamang sa problema sa kanyang mga papeles.  Kilala na umano niya ito dahil sa limang taong pagseserbisyo sa kanya kaya hindi siya naniniwala sa naturang mababaw na dahilan.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si PDEA Under­secretary Dionisio Santiago sa naturang insidente dahil sa ang QCPD na umano ang humahawak ng imbesti­gasyon upang madetermina kung sinadya ngang mag­pakamatay ng biktima.

ANSELMO AVENIDO

AVENIDO

B CRISALITA STREET

BENJAMIN DOMINGO

DIONISIO SANTIAGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with