^

Metro

Live without regret

LIVING ALIVE  - Dero Pedero -

Halos nabubulok na ang bangkay ng isang 42 -anyos na dentista nang matagpuan itong nakabitin kahapon ng tanghali sa Sta. Cruz Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Dennis Marcelo, na  nangu­ngupahan sa #1815 Sta. Cruz ng naturang lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,  ban­dang alas-12 ng tanghali nang matagpuan ni Jeslie Mag­toto, landlady ng nasawi ang nakabiting bangkay nito.

Ayon kay Magtoto, huli niyang nakita ang nasawi noong Biyernes ng gabi matapos nitong hiramin ang kanyang wireless phone at hindi isinoli hanggang Sabado ng umaga.

Dahilan dito kaya’t nagpasya na kahapon si Magtoto na katukin ang kuwarto ni Marcelo na nasa ikatlong palapag subalit hindi ito sumasagot na kung saan ay na­pansin niya ang  masangsang na amoy sa loob ng kuwarto.

Kaagad ipinagbigay alam ni Magtoto sa pulisya ang insidente na mabilis namang nagresponde at binuksan ang silid at dito na tumambad ang nakabitin pa at nabubulok na bangkay ni Marcelo habang naka­pulupot pa sa leeg nito ang electrical cord at nakasuot pa ng sumbrelo.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa nasabing insidente dahilan sa naka­sayad pa sa sahig ang paa nito sa kabila ng natagpuang suicide note sa tabi nito kung saan nakasaad dito ang pangalan ng isang pulis sa  ka­tabing kuwarto   na naka-away niya noong nakara­ang araw. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CRUZ MAYNILA

DENNIS MARCELO

GEMMA AMARGO-GARCIA

JESLIE MAG

MAGTOTO

MARCELO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with