Delay in implementation of IPP affects entry of new cement player

Dalawang lalaki ang nasu­gatan nang tamaan  ng ligaw na bala sa walang habas na pagpapaputok umano ng baril ng dalawang tauhan ni  Op­tical Media Board Chair­man Edu Manzano nang sumala­kay ang mga ito sa mga tinda­han ng mga piratang VCD at DVD sa isang mall sa Manda­luyong City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Abdul Malic Saronsa­min, 27-anyos, negosyante at re­sidente ng Sampaloc Ma­nila at Jaman Bulay, 17, helper at residente ng Islamic Area sa Quiapo,  Manila.

Ayon sa ulat ni SP04 Jaime Masilang, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa unang pa­lapag ng St. Francis Square sa Ortigas Center.

Sinasalakay ng mga ta­uhan ng OMB ang naturang mga tindahan nang magpa­putok umano ng baril ang da­lawa sa mga tauhan ni Man­zano. Sinabi ng mga biktima na inireklamo nila kay Man­zano ang pangyayari pero hindi umano sila pinansin nito. (Joy Cantos)

Show comments