Alliance Global profit up five-fold
Pormal na ring iprinoklama ng city board of canvassers si Quezon City re-elected Mayor Feliciano Belmonte Jr. bilang nagwagi sa mayoral race sa lungsod, matapos makakuha ng 80 porsiyento ng total vote cast noong nagdaang eleksyon. Sa kanyang acceptance speech, nagpasalamat ang alkalde sa kanyang mga constituents sa pagbibigay sa kanya ng panibagong oportunidad para maipagpatuloy ang kanyang vision sa lungsod. “I feel challenged by this last term. There is so much more to do”, pahayag pa ni Belmonte. Dakong alas-7 ng gabi noong Biyernes nang iproklama si Belmonte kasama si reelected Vice Mayor Herbert Bautista. Si Belmonte ay nakakuha ng 358,235 votes habang si Bautista naman ay 353,672 votes sa may 3,460 election returns matapos i-canvassed sa kabuuang bilang 5,049. Nanguna rin ang SB Performance Team, sa kanilang mga katunggali sa city’s congressional at council race.
- Latest
- Trending