Energy efficient public utility vehicles mulled
Matapos ang ilang taong pagpapatupad ng Calibrated Preemptive Response (CPR) policy ng gobyerno upang harangin ang mga kilos protesta sa Malacañang, bubuksan na sa mga raliyista ang Mendiola.
Ito ang inihayag kahapon ni dating Senate President at opisyal ng Board of Council ng United Opposition (UNO) Ernesto Maceda matapos maiproklama na bilang nagwaging kandidato ng oposisyon sa mayoralty race sa lungsod ng Maynila si Alfredo Lim.
Sinabi ni Maceda na mawawala na umano ang sakit ng ulo ni Makati City Mayor Jejomar Binay na nagwagi sa kaniyang reelection dahilan ang lungsod ng Maynila na ang sentro ng mga rally ng anti-government groups.
Aniya, kung noon ay hindi makapagpahayag ng malaya sa kanilang mga sentiyemento laban sa gobyerno ang mga raliyista ay ngayon ay poporma na silang muli sa Mendiola.
Tiniyak naman ni Maceda na magiging mapayapa ang idaraos na kilos protesta ng mga anti-GMA groups sa Mendiola. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending