^

Metro

Manila Water shifts sanitation drive to high gear

-

Binalot ng tensyon ang ilang mga empleyado ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos na matagpuan ang isang granada na wala nang pin sa ikala­ wang palapag ng gusali kahapon ng hapon sa Quezon City.

Ayon kay Feliciano Regis, direktor ng Office of Public Affairs (OPA), na­tagpuan ng mga janitor na sina Rodrigo Padrige at Marcelo Parada ang gra­nada dakong alas-3:15 ng hapon sa may bintana malapit sa aircon unit ng Per­sonnel Division Office sa ikalawang palapag ng gusali sa Edsa sa na­banggit na lungsod.

Nililinis ng mga janitor ang naturang lugar nang makita ng mga ito ang gra­nada at agad na iniulat sa security division ng DILG.  Dahan-dahan na­mang kinuha ng mga guwar­diya ang granada at saka tu­ma­­wag sa Bomb Disposal Unit ng Quezon City Po­lice District (QCPD).

Sinabi ni Regis na base sa mga imbesti­gador ng Bomb Disposal Unit, isang M26 fragmen­tation gre­nade ang nakita ng mga janitor kung saan wala na itong pin pero meron pang safety clip kaya hindi ito sumabog.

“Ang hinala ng mga im­­bestigador diyan, maa­aring matagal na dyan ang gra­nada.  Hinagis pero hin­di pu­mutok. Kasi two years ago nakaka­tanggap ng maraming bomb threat ang DILG saka nitong nakara­ang taon,” ayon kay Regis. (Danilo Garcia)

BOMB DISPOSAL UNIT

DANILO GARCIA

DIVISION OFFICE

FELICIANO REGIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with