^

Metro

Declining soil, water quality worries scientists

-

Namumutakti pa rin ng mga campaign pos­ters sa mga panguna­hing lansangan sa Metro Manila kahit pa man hindi na makagu­lapay sa pagli­linis at pag­kuskos sa mga ito ang mga tauhan ng Metro­politan Manila Development Autho­rity (MMDA).

Kahapon ay inamin ni MMDA chairman Ba­yani Fernando na bigo sila sa kanilang unang inilatag na “3 days ulti­matum” para linisin ang mga kalat at basura na dulot ng kata­tapos la­mang na halalan.

Nabatid na baga­ma’t may limang araw na ang nakaraan ma­tapos ang May 14 na­tional elections ay hindi pa rin matatawag na “poster free” parti­kular na ang mga ter­tiary at secondary route ng Metro Manila.

Bunga nito ay humi­ngi na ng ayuda si Fer­nando sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na paki­lusin na rin pati ang ba­rangay level  para tumu­long sa pagli­linis parti­kular na sa mga eskuwe­lahan na kina­sa­­sakupan ng mga ito para mapadali ang  pag­baklas ng mga streamers, ban­deritas at posters ng mga kan­didato.

Humingi naman ng paumanhin sa publiko ang MMDA kasabay ng paghingi ng nasabing ahensiya ng dalawa pang araw na palugit para makamit ang tar­ get nilang “poster free” na mga lansangan at mga esku­welahan ng Ka­may­nilaan.

Nakatakda na rin umanong ilabas ni  Fer­nando ang listahan ng mga kandidato na mga “pasaway”.

BUNGA

FERNANDO

HUMINGI

KAHAPON

MANILA DEVELOPMENT AUTHO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with