^

Metro

Sandiganbayan asked to convict 4 cops for illegal seizure, arrest

- Sandy Araneta -

Namatay noon din ang isang inmate na “Kano” makaraang pag­babarilin ito sa dibdib ng isang confidential agent nang umano’y magwala ang una sa loob mismo ng Bureau of Im­migration (BID) detention center, kahapon ng umaga sa Taguig City.

Hindi na umabot nang buhay sa South Super Highway Me­di­cal Center ang biktima na kinila­lang si Jessie James Bron­sil, binata at isang American na­tional sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib buhat sa M16 rifle.

Kasalukuyan namang pi­naghahanap ng pulisya ang nasabing confidential agent ng BID na si Ricardo Irese, 62.

Batay sa ulat, naganap ang  insidente sa pagitan ng alas-9:15 at 9:30 ng gabi sa loob mismo ng Bicutan Detention Center, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Napag-alaman na mahigit ng isang taon ng nakakulong ang nasabing “Kano” sa BID detention center bilang isang illegal alien.Nabatid na inilabas sa selda ang biktima upang hindi makapanghawa sa taglay nitong sakit na tuberculosis sa mga kasamahang inmates nito at pinatira na lamang ang una sa isang kubo na malapit sa kanyang dating detention cell. Ayon naman sa pahayag ng mga guwardiya, sa hindi ma­batid na kadahilanan ay biglang nagwala umano ang biktima na sinasabing  lango sa alak at  armado ng patalim.

Ilan minuto umano maka­lipas humupa ang nasabing senaryo ay muling kumuha ng screwdriver ang nasabing dayuhan at muling nagwala umano at nanghamon ng away sa mga BID personnel.

Tinangka umanong sasak­sakin ng dayuhan ang suspect na si Irese dahilan upang pag­ba­­barilin ng huli ang una sa dibdib gamit ang isang M16 rifle. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BICUTAN DETENTION CENTER

BUREAU OF IM

CAMP BAGONG DIWA

ISANG

JESSIE JAMES BRON

KANO

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with