Nagpasalamat na kahapon si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa lahat ng sumuporta sa kanya matapos matamo ang landslide victory sa isinasagawang canvassing. Sa naging tala ng Namfrel at PPCRV, nakakuha si Echiverri ng 178,086 na boto na isa sa pinakamataas na nagkamit ng isang lokal na kandidato sa lungsod. Mahigit sa 71,000 ang naging lamang ni Echiverri sa pinakamalapit na kalaban na si dating congressman Baby Asistio at kung idadagdag pa dito ang mga boto ng iba pang kandidato ay lalamang pa rin si Echiverri ng may 20,000 na boto. Ayon kay Echiverri, isang napakalaking karangalan para sa kanya ang magkaroon mula ng pagkakataong maglingkod sa kanyang mga kababayan. Mata tandaang dinala rin ang Recom Tam ng mga religious group tulad ng maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo (INC) at El Shaddai.