^

Metro

NG posts P12-B surplus in April

- Des Ferriols -

Siniguro ni incoming Manila Mayor Alfredo Lim na mananatili ang mga empleyado ng City Hall kabilang dito ang mga appointees at taga-suporta ni outgoing Mayor Lito Atienza Jr. Ayon kay Lim, noon umanong 1992 ng manalo siya kay Mel Lopez ay natakot ang mga empleyado dito dahil sa takot na matanggal sila sa pu­westo subalit wala umano siyang aalisin o tatanggalin. “Noong 1992, wala akong pinalitan noong nanalo ako kay Mel Lopez. Noong first meeting namin putlang putla ang mga tao niya. Sabi ko okay alam kong kumampanya kayo laban sa akin, basta kayo nagli­lingkod nang mabuti ok kayo sa akin. Ang iba na namana ko kay Mel Lopez kasama ko. Hindi ako bengador”,  sinabi pa  Lim. Subalit nagbabala naman si Lim sa mga sariling tagasuporta na hindi siya mangingiming sibakin ang mga ito kung masasangkot sa mga “monkey business.” Samantala, nagbabala din ang Alkalde na aalisin niya ang mga nakalalasing na inumin na itinitinda sa Baywalk Roxas Blvd. dahil sa ito umano ang madalas na pinagsi­si­mulan ng away at gulo rito. Bukod sa Baywalk, ipagbabawal din nito ang paglalagay ng mga lamesa sa gitna ng kalsada sa mga establi­simento sa Malate kung saan dito nag-iinuman at nakaka­abala rin sa daloy ng trapiko. (Gemma Amargo Garcia)

ALKALDE

BAYWALK

BAYWALK ROXAS BLVD

BUKOD

GEMMA AMARGO GARCIA

MAYOR LITO ATIENZA JR. AYON

MEL LOPEZ

NOONG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with