Agriculture posts 3.55% growth in 1st quarter, reports agri chief

Laslas ang leeg, bago tinarakan sa kanang kilikili ang isang 49-anyos na ginang ng kanyang asawa at natagpu­ang wala ng buhay sa comfort room, kamakalawa ng gabi sa Sta.Cruz, Manila .

Kinilala ang biktimang si Adelaida Mangcoy, helper at stay-in sa #2420 Felix Huertas St., Sta.Cruz, Ma­nila, saman­talang, tinu­tugis naman ng pulisya ang  sus­pect na si Roberto Mang­coy, 50, walang hanap­buhay; tubong Villa Pag-asa, Oriental Mindoro.

Ayon kay Det. Virgo Villa­­real ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng gabi nang matag­puan ang du­guang biktima sa loob ng comfort room sa ibabang palapag ng  bahay sa Felix Huertas St .

Bago ang krimen, na­kitang nag-uusap ang bik­tima at ang mister nito sa ika-2 palapag habang na­ka­upo pa ang biktima sa silya.

Naisipan pa ng bik­tima na tumayo para umihi  at nang bumaba ay sinun­dan  ni mister at pagsapit sa comfort room dito na pinagsasaksak ang ginang.

Lumilitaw na selos ang unang motibong binubusisi ng pulisya, dahil malimit uma­nong magtungo doon ang binatang kapatid ng suspect.

Narinig umano ng ilang kasambahay na nagtatalo ang ginang at ang suspect sa madalas na pagpunta ng kapatid ng huli.

Isang manhunt opera­tion naman ang inilunsad ng pulisya laban sa tuma­kas na suspect.

Show comments