^

Metro

Rep. Biazon wagi sa Munti

-

Lamang na lamang sa ginaganap na bilangan sa katatapos na election si Caloocan City incumbent Mayor Enrico “Recom” Echi­verri laban sa kanyang mga katunggali sa pagka-alkalde ng lungsod.  Base sa nakalap na impormasyon, nakakuha si Echiverri ng 60% habang ang natitirang 40% ay pinaghatian naman ng kanyang mga kalaban na sina Luis “Baby” Asistio, kapatid nitong si Macario “Boy” Asistio, Jr. at Reynaldo Malonzo. Ayon sa mga political analyst, ang “overwhelming” na pag­tang­gap kay Echiverri ng mga botante ay base na rin sa ipinakitang magandang serbisyo nito kaya’t muling pinagkatiwalaan ng mga taga-Caloocan.  Samantala, nagpasalamat naman si Recom sa mga residente ng lungsod dahil sa ipinakitang pagsuporta nito sa kanyang kandi­datura at sa muling pagbibigay ng tiwala sa kanyang kakaya­han na makapagsilbi sa mamamayan ng Caloocan.  Kaugnay nito, lumalamang din ang mga kapartido ni Echiverri sa Lakas-NUCD kaya’t naniniwala ang mga residente na posibleng manalo ang mga kapanalig ng alkalde na siyang magiging ka­tuwang nito sa pagpapaganda ng lungsod.

ASISTIO

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

ECHI

ECHIVERRI

KAUGNAY

MAYOR ENRICO

RECOM

REYNALDO MALONZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with