^

Metro

Pacquiao di umubra sa 90 lbs. na si Darlene

-

Takdang iproklama bago matapos ang linggong ito ang mga nanalong kandidato sa Quezon City sa nagdaang May 14 elections. Ayon kay City Prosecutor Claro Arellano, board Vice Chairman ng QC board of canvassers, malamang na maaga nilang maisasa­gawa ang proklamasyon sa mga nanalong kandidato sa nagdaang halalan, mas maaga kaysa sa nagdaang 2004 elections dahil karamihan sa mga local candidates ay wala namang kumakalaban. Sa kasalukuyan, kailangan lamang anya nilang matapos ang 50 percent ng canvassing ng city’s 5,049 election returns bago ma­ideklara ang panalo sa nagdaang eleksiyon. Sinabi ni Arellano na base sa kanilang karanasan, ang canvassing ng election returns ay karaniwang natatapos ng apat hanggang 5 araw. Sa inisyal na tally ng mga boto, si incumbent Mayor Feliciano Belmonte Jr. ay nakakuha ng mas malaking boto na 76,215 sa kanyang tatlong kalaban, gayundin si Vice Mayor Herbert Bautista na 74,454 votes na higit na mas malaki kaysa sa mga kalaban. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ARELLANO

AYON

CITY PROSECUTOR CLARO ARELLANO

CRUZ

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

QUEZON CITY

SINABI

VICE CHAIRMAN

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with