^

Metro

Election quips - ROSES & THORNS By Alejandro R. Roces

-

Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District, ang itinu­turong gunman  at isa pang suspect  na pumatay sa isang ba­rangay chairman sa Sampaloc, Maynila noong nakaraang  buwan.

Nakilala ang mga nadakip na sina Montano dela Rosa Jr., 54, dating miyembro ng Philippine Constabulary (PC),  at Armando Torres, 43,  kapwa stay-in sa RCJ Line Bus Terminal na mata­tagpuan sa Earnshaw St., sa Sampaloc ay kasalu­kuyang pinipigil sa tanggapan ng MPD-Homicide Section.

Tumakas ang dalawa matapos umano ang pagpatay sa biktimang si Chairman Mar Santos ng Brgy. 461 Zone 45 Sampaloc.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Alejandro Yanquiling Jr., dakong ala-1:35 ng madaling-araw nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang  bus terminal  matapos na makatanggap ng impor­masyon na nagbalik dito ang dalawang suspect.

Una rito, nitong nakaraang Abril 7 ng taong kasalukuyan dakong alas-8 ng gabi nang barilin ang nasabing punong barangay sa panulukan ng A.H. Lacson at Fajardo St., sa Sampaloc.

Nag-ugat umano ang pamamaslang matapos na hindi bigyan ng Clearance ng barangay ang RCJ Bus Lines Terminal na pag-aari umano ni Rolando Abadilla Jr.,para sa panibagong business permit. Dahil dito itinurong mastermind si Abadilla, matapos lumu­tang ang ilang testigo sa tanggapan ni Chief Insp. Yan­quiling,kaya nagsagawa na ng follow-up operation ang pulisya. Mariin namang itinanggi ng mga suspect ang bintang laban sa kanila. (Doris Franche)

ALEJANDRO YANQUILING JR.

ARMANDO TORRES

BUS LINES TERMINAL

CHAIRMAN MAR SANTOS

CHIEF INSP

DORIS FRANCHE

EARNSHAW ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with