Go out and vote – Bernabe

Nanawagan kahapon si Parañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr. sa kanyang mga constituents na huwag sayangin ang kanilang karapatang bumoto sa darating Lunes Mayo 14. Base sa rekord sa mga nakalipas na eleksyon mayroon lamang 25-30 porsiyento ng mga residente sa lungsod sa tinatawag na "gated communities" ang lumalabas para bumoto. Kumpara sa 80-90 porsiyento ng mga residente sa development areas ang hindi sinasayang ang kanilang karapatan sa pagboto. Ito, umano ayon pa kay Bernabe ang tanging pagkakataon ng mga Pinoy na ihayag kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanila ma-nasyunal man o sa lokal. Ang eleksyon din daw ang araw na maipapakita ng isang mamamayan sa mga namumuno ang kanilang sentimiento at sa mga nakaupo para malaman naman kung ano ang gusto ng mga mamamayan. Si Bernabe na tatakbo sa kanyang ikalawang term ay nangunguna sa alin mang isinagawang surveys sa kanyang mga competitors.

Show comments