^

Metro

Italiano timbog sa ‘bomb joke’ sa NAIA

-
Matapos ang aktor na si John Estrada, isa na namang Italiano ang dumagdag sa listahan ng mga dinakip ng PNP-Aviation Security Group (ASG) dahil sa pagyayabang may dalang ‘nuclear bomb’ sa kanyang bagahe at kasapi siya ng grupo ni international terrorist ni Osami bin Laden habang pasakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), iniulat kahapon.

Kinilala ni Col. Efren Labiang, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security (PCAS), ang inarestong dayuhan na si Fabrizo Salvini, 58, mula sa Italy.

Ayon kay Labiang, si Salvini ay nakatakda sanang sumakay sa Cathay Pacific Airways flight CX-918 patungong Hong Kong nitong Miyerkules ng hapon nang pigilin ng mga awtoridad sa final security check area sa NAIA Terminal 1 dahil sa pagbibiro na may dalang bomba.

Base sa report, habang kinakapkapan ang naturang Italyano bilang standard operating procedure (SOP) ay agad itong nagsalita ng "I have three nuclear bombs in my pocket and I belong to the group of Osama Bin Laden"

Dahil dito, agad na naresto at dinala ito sa tanggapan ni 1st PCAS ang dayuhan upang imbestigahan.

Sa interogasyon, niliwanag ng dayuhan na isa siyang palabirong tao at hindi niya akalain na seseryosohin ng pulis ang kanyang pagbibiro.

Sinabi naman ni Labiang na biro man o hindi kung tungkol sa bomba ay hindi nila ito pinalalampas sa airport, dahil ipinagbabawal ang bomb joke sa lahat ng paliparan sa buong mundo.

Umaabot na sa 7 katao ang inaresto dahil sa pagbibiro na may dalang bomba sa paliparan. (Elllen Fernando)

AVIATION SECURITY

AVIATION SECURITY GROUP

CATHAY PACIFIC AIRWAYS

EFREN LABIANG

ELLLEN FERNANDO

FABRIZO SALVINI

HONG KONG

JOHN ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with