^

Metro

PNP full alert Sabado pa lang

-
Itataas ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status sa kabuuan ng kanilang puwersa simula sa Sabado dalawang araw bago maganap ang May 14 national at local election.

Ito ang inihayag kahapon ni Director Wilfredo Garcia, deputy chief for Operation ng PNP.

Sinabi nito na ang pagtataas ng alerto ay sisimulan dakong alas-6 ng umaga ng Sabado, Mayo 12, upang mapanatiling maayos at maiwasan ang kaguluhan sa darating na eleksyon.

Kasabay nito, sinabi ni Garcia na handa na ang PNP sa kanilang pre-election preparation stage at naghihintay na lamang ng aktwal na deployment ng pwersa upang magbantay sa eleksyon.

Kabilang sa mga preparasyon ang pagtatalaga ng dalawang pulis sa bawat polling precinct sa bansa.

Sa mga lugar na iniulat na balwarte ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ay magtatalaga naman ng mga military, 50 metro ang layo mula sa voting center. Umaasa din ang opisyal na magiging mapayapa ang magaganap na eleksyon batay na rin sa preparasyong isinagawa ng PNP. (Edwin Balasa)

DIRECTOR WILFREDO GARCIA

EDWIN BALASA

GARCIA

ITATAAS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with