Dalaga ni-rape slay, 2 pa kritikal

Ginahasa bago pinatay ang isang 23-anyos na dalaga ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang", habang kapwa naman nasa kritikal na kondisyon ang dalawa pa nitong kasambahay na inatado na saksak ng mga salarin, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Divina Africa na tinadtad ng saksak sa mukha at katawan.

Nasa kritikal naman kondisyon sina Alfa Mae Galamay, 17, at ang pamangkin ng nasawi na si Joy Magtuto. Halos hindi rin makilala ang mga ito dahil sa mga tinamong sugat sa mukha.

Wala ring pang-ibabang saplot ang dalawang sugatan at hindi pa matiyak kung ginahasa rin ang mga ito tulad ng nasawi.

Ayon sa ulat, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa apartment na tinitirhan ng mga biktima sa Pinagsama Village, Brgy. Western Bicutan.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments