^

Metro

Intsik timbog sa P1-M droga

-
Isa na namang Chinese national na hinihinalang miyembro ng isang international drug syndicate ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nakumpiska ang tinatayang higit P1 milyong halaga ng droga sa Binondo, Maynila. Nakilala ang nadakip na si Ji Jin Dun, alyas Tsi Tsai Tsun, 37, ng Benavidez street, Binondo, Maynila.

Nakumpiska sa posesyon nito ang tinatayang 721 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P1,153,600. Ang Ephedrine ang pangunahing sangkap sa paglikha ng shabu na pangunahing ipinapakalat sa Pilipinas. Nabatid sa ulat na isinagawa ang buy bust operation dakong alas-10 ng gabi noong Mayo 4 sa Binondo kung saan isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng naturang droga.

Dinakip ang suspek matapos na iabot sa buyer ang isang plastic bag na naglalaman ng naturang iligal na droga. Ang naturang operasyon ay bahagi ng konsentrasyon ngayon ng PDEA upang madakip ang mga high-profile na mga dayuhang drug traffickers na nasa bansa. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Law of 2002 kung saan pasok ito sa heinous crime dahil sa dami ng ebidensyang nakumpiska sa posesyon nito. (Danilo Garcia)

ANG EPHEDRINE

BENAVIDEZ

BINONDO

DANILO GARCIA

DINAKIP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS LAW

JI JIN DUN

MAYNILA

TSI TSAI TSUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with