Supporter ng mayoralty candidate tinodas
May 8, 2007 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang masugid na supporter ni Mayoralty candidate Connie Dy at kapatid ng barangay chairman habang sakay ito ng kanyang motorsiklo, kahapon ng umaga sa lungsod ng Pasay.
Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na si Melchor Saria, 36, na nagtamo ng tama ng bala mula sa hindi pa nababatid na kalibre ng baril sa dibdib at iba pang parte ng katawan nito.
Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspect na agad na inilalarawan lamang ng mga saksi na may taas na 5’9’’ hanggang 5’10’’, nakasuot ng jacket at maong pants na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng umaga sa Almazor St., Andrews Avenue Brgy. 185 Villamor Airbase ng nabanggit na lungsod.
Bago ang insidente, nabatid na kasama pa ng biktima sa lugar ang ilang kaibigan at supporters ni Dy na abala sa pagkakabit ng mga poster ng huli nang magpasya ang una na maunang umalis sakay ng kanyang motorsiklo.
Hindi pa man nakalalayo sa lugar ang biktima ay nakasalubong umano nito ang naglalakad na suspect kung saan na bigla na lamang naglabas ng hindi mabatid na kalibre ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang una na naging dahilan ng kamatayan nito.
Napag-alaman na ang biktima ay nakababatang kapatid ni Barangay Chairman Joseph Saria at kilala ang kanilang pamilya bilang masugid na taga-suporta ni Dy.
Gayunman, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinala man sa pulitika ang motibo sa pagpaslang kay Saria. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended