^

Metro

Bunso pinatay ni kuya dahil sa mana

-
Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang bunso nitong kapatid makaraang magtalo umano ukol sa hatian sa mamanahin nila sa kanilang mga magulang, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Gary Baro, 26, fish dealer, may-asawa, at residente ng St. Anthony street, Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na kuya na si Juramie, 28-anyos.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang krimen sa loob ng kanilang bahay dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi. Dati na umanong may alitan ang magkapatid ukol sa hatian ng kanilang mamanahin sa mga magulang kung saan muli itong naungkat.

Nauwi sa mainitang komprontasyon ang diskusyon ng mag-utol hanggang sa kumuha ng itak si Juramie at pinagtataga hanggang sa mapatay ang kapatid bago mabilis na tumakas.

Ayon sa mga kapitbahay, narinig na lamang nila ang sigawan at kalabugan sa bahay ng magkapatid at nang alamin nila ay tumambad sa kanila ang duguang bangkay ni Gary. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BRGY

DANILO GARCIA

DATI

GARY BARO

HOLY SPIRIT

JURAMIE

NAWASA LINE

QUEZON CITY

ST. ANTHONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with