Binay ‘kinapon’
May 8, 2007 | 12:00am
Hindi pa rin magagampanan ni Mayor Jejomar Binay ang trabaho niya bilang executive officer ng lungsod ng Makati sa kabila ng pagbawi ng "suspension order" dahil sa "technically suspended" pa rin umano ito, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni DILG Undersecretary for Public Safety Marius Corpus na "technically suspended" na ang alkalde noon pang Biyernes kung saan si Vice-Mayor Ernesto Mercado ang inatasan na mamahala sa city hall at pumirma ng mga papeles na trabaho dapat ni Binay.
Hindi naman makapagkomento si Corpus sa kaguluhang idudulot ngayon ng kautusan ng DILG na huwag magpatakbo sa Makati City Hall si Binay dahil sa hindi pa rin naman nakakapanumpa si Vice-Mayor Mercado bilang Acting Mayor.
"Yung proseso hindi pa namin kukumpletuhin. Ang buong proseso, mag-a-assume sana ang vice mayor niya ngayong araw na ito. Ang sinasabi ng department bibigyan siya ng pagkakataong umapela. Hindi na siya makagalaw as mayor, di makapirma ng documents, at kung gagawin niya kakasuhan siya ng "usurpation of authority," ayon kay Corpus
Sinabi naman ni Secretary Ronaldo Puno na walang kinalaman ang politika sa pagsususpinde kay Binay. Sa katunayan, agad umano niyang hihilingin sa Office of the Solicitor General na magsumite ng mosyon sa Ombudsman upang iatras na ang suspensyon laban sa alkalde habang nasa election period.
"Kinakampihan namin si Mayor Binay rito na di dapat suspendehin until after election period. Pero dapat magpaliwanag pa rin siya," ayon kay Puno.
Iginiit rin nito na hindi nilabag ng DILG ang kautusan ng Ombudsman sa pag-atras nila ng suspensyon ni Binay dahil sa nai-serve naman nila ito noong Biyernes habang napagbigyan rin ang alkalde nang iatras nila ito upang makaapela ito sa Court of Appeals.
Bumalik na sa normal ang kalakalan sa lungsod ng Makati matapos na ipagpaliban ang preventive suspension kay Binay.
Ikinatuwa naman ng libu-libong mga supporters at kawani ng local na pamahalaang lungsod ng Makati ang nasabing desisyon ng DILG kung saan dumalo rin ang mga ito sa isinagawang flag raising kahapon ng umaga sa harap ng City Hall.
Dakong alas-8 ng umaga naman nang magsalita at magpasalamat sina Binay at Vice Mayor Ernesto Mercado sa harap ng mga supporters at kawani ng Makati City Hall.
Sinabi ng naturang alkalde na hindi sila matitinag at mas lalo pa umano nilang lalabanan ang mga ginagawang hakbang laban sa kanila ng administrasyon na anila’y isang panggigipit at hindi makatarungan partikular na umano ang biglaang pagpapalabas ng preventive suspension laban sa kanya.
Samantala, hindi mapaparalisa ang kampanya ng mga kandidato ng Genuine Opposition (GO) matapos na ipa-freeze ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang account ni Binay.
Ito ang tiniyak kahapon ng mga senatoriable ng Genuine Opposition (GO) sa nalalabing anim na araw na lamang bago ang mid-term elections sa Mayo 14.
Ayon kina GO senatorial candidates Loren Legarda, Alan Cayetano at John Osmeña, tuloy pa rin ang daloy ng kanilang campaign funds dahil sa hindi naman sila umaasa sa pondong manggagaling kay Binay na siyang presidente ng United Opposition (UNO).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am