Holdaper tiklo sa mall

Isang umano’y holdaper na si Dave John Santos, 18, ng Sampaloc, Manila ang nadakip makaraang holdapin niya ang isang stall ng LBC sa Isetann Department Store sa Quiapo kamakalawa ng gabi.

Nabawi sa kanya ang halagang P6,200 at Nokia cellphone na tinangay niya mula kay Maureen Blue, desk entertainer ng LBC. (Doris France)

Show comments