^

Metro

$1-M hingi ng kidnaper ng 8 Pinoy sa Nigeria

-
Humihingi umano ng $1 milyon ang mga rebeldeng Nigerian kapalit ng paglaya ng walong manggagawang Pilipinong kinidnap nila sa isang construction site sa Port Harcourt, Nigeria noong nakaraang linggo.

Ito ang nabatid kay Nora Dollesin na ang asawang si Lowell ay kabilang sa mga trabahador ng Daewoo Engineering and Construction Co. na dinukot ng mga rebelde sa naturang bansa.

Sinabi ni Dollesin na tinawagan siya ng kanyang asawa noong Sabado ng gabi para sabihing humihingi ng $1 milyong ransom ang mga kidnaper.

Nakarating na rin sa Department of Foreign Affairs na ginugutom at binubugbog ng mga kidnaper ang mga biktima sa pinagtataguang kagubatan. Bukod dito, kulang din sa tulog ang mga bihag. (Joy Cantos)

vuukle comment

BUKOD

DAEWOO ENGINEERING AND CONSTRUCTION CO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOLLESIN

HUMIHINGI

JOY CANTOS

NORA DOLLESIN

PORT HARCOURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with