Magugunitang naglaan ng P250,000 kabuuang pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspect sa pagpatay sa biktima na si Roland Anthony Lim, 16, estudyante, ng No. 12 Singapore St. , Better Living Subd. Brgy. Don Bosco ng nasabing lungsod. Sinabi ni Abelgas na sumuko umano sa kanya si Borines, matapos na mapanood sa telebisyon ang mukha nito na may nakapatong na halagang P250,000 sa kanyang ulo at nangamba na sa kanyang buhay.
Sa isinagawang komprontasyon sa pulisya, ang suspek ay positibong itinuro ng mga saksi sa naganap na pangyayari noong Abril 18 sa harapan ng Galaxy Internet Café na matatagpuan sa Saudi Arabia St., at Somalia St., Better Living Subd. Brgy. Don Bosco Parañaque City. (Angie dela Cruz)