^

Metro

Murder suspek, sumuko sa TV reporter

-
Makaraan ang dalawang linggong pagtatago, sumuko na sa veteran TV reporter na si Gus Abelgas ang suspect sa pagpatay sa 16-anyos na anak na Fil-Chinese trader na inagawan ng cellphone sa loob ng internet café kamakailan sa Parañaque City. Nakilala ang suspek na si Anthony Borines,19, binata ng Barangay 201 Zone 20 Kalayaan Access Road, Pasay City ay agad na tinurn-over ni Abelgas kay SPD Director Chief Supt, Roberto Rosales.

Magugunitang naglaan ng P250,000 kabuuang pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspect sa pagpatay sa biktima na si Roland Anthony Lim, 16, estudyante, ng No. 12 Singapore St. , Better Living Subd. Brgy. Don Bosco ng nasabing lungsod. Sinabi ni Abelgas na sumuko umano sa kanya si Borines, matapos na mapanood sa telebisyon ang mukha nito na may nakapatong na halagang P250,000 sa kanyang ulo at nangamba na sa kanyang buhay.

Sa isinagawang komprontasyon sa pulisya, ang suspek ay positibong itinuro ng mga saksi sa naganap na pangyayari noong Abril 18 sa harapan ng Galaxy Internet Café na matatagpuan sa Saudi Arabia St., at Somalia St., Better Living Subd. Brgy. Don Bosco Parañaque City. (Angie dela Cruz)

ABELGAS

ANTHONY BORINES

BETTER LIVING SUBD

BRGY

DIRECTOR CHIEF SUPT

DON BOSCO

DON BOSCO PARA

GALAXY INTERNET CAF

GUS ABELGAS

KALAYAAN ACCESS ROAD

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with