Pinagtripan ang parak, natodas
May 5, 2007 | 12:00am
Patay ang isang lasenggo makaraang barilin ng isang bagitong pulis na kanyang hinamon ng away at tinangkang saksakin kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila. Isang tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib na tumagos sa likod ang tinamo ng biktimang si Rio Bernard Delos Reyes, 31, ng Katuparan, Tondo. Iniimbestigahan naman ngayon ng mga awtoridad ang suspect na si PO1 Oliver Oliveros , 31.
Batay sa ulat naganap ang krimen dakong 1:30 ng hapon sa loob ng bahay ni PO1 Oliveros. Nabatid na nagtetext lamang sa harapan ng bahay ang suspect at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang siyang kinompronta ng biktima na lango sa alak at pilit na naghamon ng away.
Napayapa naman ang dalawa subalit matapos ang limang minuto ay sumugod na naman ang biktima at saka sinuntok sa ulo ang pulis. Sasaksakin pa sana ng biktima ang pulis subalit naging maagap ito at inilabas ang kanyang service firearm at pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended