^

Metro

Tinedyer binistay ng bala, patay

-
Agad na nasawi ang isang 18-anyos na lalaki makaraang bistayin ng bala ng tatlong armadong lalaki sa harap ng isang gasolinahan kahapon ng madaling araw sa Culiat, Quezon City. Nakilala ang nasawi na si Jayson Perdido, binata, at residente ng #102 Sitio Libis-2, Brgy. Pasong Tamo, ng naturang lungsod. Patuloy namang kinikilala at pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong armadong suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa tapat ng Sea Oil gasoline station sa may Tandang Sora, Culiat, ng nabanggit na lungsod. Nabatid na naglalakad ang biktima nang pumarada ang isang kotse sa harapan nito at bumaba ang tatlong suspek. Agad na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek si Perdido ngunit nagawa nitong makipagbuno.

Napagtulungan naman ng mga suspek ang biktima hanggang sa sunud-sunod na itong paulanan ng bala. Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng dala nilang kotse matapos ang pamamaril. Narekober naman ng pulisya ang isang replica toy gun na 9mm. pistol na pagmamay-ari umano ng biktima at 15 basyo ng bala na ginamit ng mga suspek sa krimen. (Danilo Garcia)

BRGY

CULIAT

DANILO GARCIA

JAYSON PERDIDO

PASONG TAMO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SEA OIL

SITIO LIBIS

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with