‘Burgos wala sa amin’ – AFP
May 2, 2007 | 12:00am
Pinabulaanan kahapon ng Armed Forces of the Philippines na hawak nito si Jonas Joseph Burgos na anak ng yumaong press freedom fighter at dating Malaya at We Forum Publisher na si Jose Burgos at ang dalawa nitong kasama na napaulat na nawawala sa Quezon City mula pa noong Sabado. "Nakikisimpatya kami sa pamilya (ni Jonas Burgos) pero nagtataka kami kung bakit ang militar ang itinuturo ng mga militanteng grupo," sabi ni AFP Information Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro sa isang dagliang pulong-balitaan.
Sinabi ni Bacarro na lumabas sa kanyang pagbusisi na wala sa alinmang military unit sa Metro Manila at Central Luzon sina Burgos, Melissa Reyes at isa pang kasamang lalaki nito na hindi pa mabatid ang pangalan. Gayunman, sinabi ni Bacarro na makikipagkoordina ang militar sa iba pang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng imbestigasyon sa pagkawala nina Burgos. Naunang napaulat na sina Burgos na isang agriculturist at trainor ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan, si Reyes at kasamahan nito ay nawala habang nasa lugar malapit sa SM North EDSA sa Quezon City bandang alas-6 ng gabi ng Sabado. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest