^

Metro

Mag-public apology kayo

-
Hiniling kahapon ng aktres at modelong si Maritoni Fernandez sa pangasiwaan ng Shopwise Supercenter sa Parañaque City na magpalabas ng public apology dahil sa pambibintang ng dalawa nitong detektib na nagnakaw umano siya ng tatlong lip gloss sa naturang Mall kamakalawa.

Sinabi ni Fernandez na pasakay na siya sa kanyang kotse makaraang mamili sa naturang Mall bandang alas-12:30 ng tanghali nang lapitan siya ng dalawang nakasibilyang lalaki.

"Mayroon yata kayong items na hindi binayaran. Parang ganoon. Nagduda ako kasi nasa loob na ako ng kotse. Wala rin silang ID at para silang mga maton," sabi ng aktres.

Nagtungo si Fernandez sa pinakamalapit na gate ng subdivision para magpatulong sa mga guwardiya roon. Tumuloy sila sa Parañaque City Police Community Precinct-6 para ipaimbestiga ang insidente. Wala namang nakuhang stick ng lip gloss sa kanyang bag ang mga pulis.

Sinabi ni Fernandez na pinapatawad na niya ang mga guwardiya ng Shopwise bagaman baka kasuhan niya ang pangasiwaan nito kung hindi magpapalabas ng public apology.

vuukle comment

CITY POLICE COMMUNITY PRECINCT

FERNANDEZ

HINILING

MARITONI FERNANDEZ

MAYROON

NAGDUDA

NAGTUNGO

SHOPWISE

SHOPWISE SUPERCENTER

SINABI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with