^

Metro

Saleslady nanghihipo ng bebot

-
Inireklamo ng isang 17-anyos na saleslady ang kanyang kasamahang babae sa trabaho dahil ginulpi siya ng huli makaraang palagan niya ang panghihipo nito sa maselang bahagi ng kanyang katawan sa harap mismo ng kanilang mga kustomer kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Sinampahan ng kasong unjust vexation at physical injury ni SPO1 Virgilio Manabat, imbestigador ng Women and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Pasay City Police ang nadakip na suspek na si Rosiel De Jesus, 31, makaraang ireklamo ng biktimang si Nelfa Biallo, ng 609-D Advincula St., Pasay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakaugalian umano ni De Jesus na biruin ang mga kasamahang saleslady sa Hongkong Sun Plaza sa pamamagitan ng paglamas at paghipo sa maseselang bahagi ng katawan ng mga ito kahit pa sa harap ng kanilang mga kustomer.

Noong Linggo ay pinaghihipuan din umano ni De Jesus sa maselang bahagi ng parte ng katawan si Biallo na ikinairita ng biktima subalit hindi na lamang niya pinansin dahil batid niyang hindi ito tomboy batay na rin sa pagkakaroon nito ng kalive-in at anak.

Kamakalawa ay uulitin sana umano ni De Jesus ang pagbibiro subalit pumalag at pinagsabihan na siya ng dalagita.

Nagalit umano ang suspek kung kaya kinuha ang isang matigas na plastik na panungkit ng paninda at ipinalo sa biktima.

Hindi pa nasiyahan ay sinabunutan at sinuntok pa umano ni De Jesus ang dalagita na naging dahilan upang ipaaresto na ng huli ang una. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CONCERNED DESK

D ADVINCULA ST.

DE JESUS

HONGKONG SUN PLAZA

NELFA BIALLO

NOONG LINGGO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with