^

Metro

Pakistan probes bombing that killed 28 and injured minister

-

Isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita at tang­kang panggagahasa sa isa nitong kaeskuwela ang na­dakip ng pulisya nang mag­balik siya sa pinangyarihan ng krimen sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Pinabulaanan ng sus­pect na si Marcelino Fede­res, 23, ng Brgy. Signal Vil­lage, Taguig ang akusas­yon sa kanya bagaman positibo siyang naituro ng nakaligtas na biktimang itinago sa alyas na Dora, 16.  

Sinabi ni Dora na si Fe­deres ang dalawa sa mga salarin na gumahasa at pumatay sa kanyang ka­ibigan at kaeskuwela sa Signal Village High School na si Irene Evangelista.

Nabatid na hindi na­gawang halayin ng mga suspek si Dora bunga ng pagkakaroon niya ng buwa­nang dalaw bagaman pi­naghahalikan at pinaghi­hipuan din siya ng mga sus­pek bago hinataw  ng bato sa ulo at pagtangkaang balian ng leeg.

Ayon kay SPO1 Jhong Cangco ng Criminal Inves­tigation Division ng Taguig Police, una nang nagsum­bong sa kanila ang 14-an­yos na kapatid ni Evange­lista na si Boy kaugnay sa umano’y pangungulit ni Fe­deres sa kanyang mga ka­ibigan kaugnay sa pag­ka­matay ng kanyang kapatid

Bunga ng naturang im­pormasyon, matiyagang ti­nugaygayan ng pulisya si Federes hanggang sa ma­kitang bumalik ito sa pi­nangyarihan ng krimen sa abandonadong bahay sa Durian St. dakong alas-11:20 ng gabi kamakalawa dala ang isang kandila na tila may hinahanap.

Nang sitahin ng mga pulis, sinabi ni Federes na hinahanap lamang niya ang nalaglag na cellphone at ka­agad na itinanggi na may kinalaman siya sa naganap na  krimen.

Gayunman, nang ipakita ng pulisya ang larawan ni Federes kay Dora sa pinag­dalhang pagamutan ay positibong kinilala ng huli ang suspek.

Samantala, nilinaw ni Dora na kaibigan nila at walang kinalaman sa kri­men ang naunang isinang­kot dito na si Mario Bus­tamante.

Ayon kay Dora, si Bus­tamante pa umano ang nag­hatid sa kanila sa bahay nang magpasama silang manood ng tugtugan ng mga banda sa malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Sinabi pa ni Dora na muli silang lumabas ng bahay noong Huwebes ng gabi upang bumili ng ti­napay nang tutukan sila ng pa­talim ng mga suspek, kaladkarin sa abandona­dong bahay, ginahasa si Evangelista bago ito hina­taw ng bato sa ulo at sinak­sak ng icepick sa tagiliran.

Kusang iniwanan uma­ no sila ng mga sus­pek sa akalang pati siya ay patay na rin matapos na hatawin ng bato at tang­kang baliin ang kan­yang ang leeg.

10PT

FEDERES

FONT

SHY

SIZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with