^

Metro

PNCC settles 26-year debt with Marubeni

POSTSCRIPT - Federico D. Pascual Jr. -
Hinihinalang dinukot ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang anak na lalaki ng namayapang news­paper pub­lisher na si Jose Burgos, habang papauwi ito galing sa isang malaking mall sa Quezon City nitong nakaraang Sabado. 
Nakilala ang biktima na si Jonas Joseph Burgos, 38, residente ng Tandang Sora, Quezon City at anak ni Jose Burgos na dating publisher ng pahayagang Malaya. Bukod sa kanya, nawawala rin ang kasama­han nito na nakilalang si Melissa Reyes at isa pang lalaki na patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.
Sa pulong-balitaan na ipi­natawag ni Edith Burgos, ina ng biktima, nawawala na ang kanyang anak mula pa noong Abril 28 dakong alas-6 ng gabi. Nabatid na nagpadala pa ng text mes­sage si Jonas sa ina na pa­uwi na ito matapos mang­galing sa isang mall sa North EDSA sa nabanggit na lungsod, subalit hindi na ito nakita pa.
Nagpadala naman ng text message dakong alas-10:46 kamakalawa ng umaga si Jonas ngunit hindi umano nila maintindi­han ang sinasabi nito. Nang kanilang tawagan, hindi na nila maintindihan ang sinasabi nito dahil sa hinalang posibleng pinilit itong mag­droga. Hindi na muli nakontak si Jonas sa kabila na patuloy pa ring tumutunog ang cell­phone nito.
Ayon kay Edith Burgos, miyembro ng grupong Ka­rapatan, ang mga tauhan ng militar ang posibleng dumukot sa kanyang anak dahil sa pagiging aktibo nito sa mga gawain para sa mga magsa­saka.
Nabatid na nagbibigay ng pagsasanay sa “agri-techno­logy” si Jonas sa mga miyem­bro ng Alyansa ng Magbu­bukid sa Bulacan na chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kaya maaari itong napag-initan ng military.
Nanawagan naman ang ina ng biktima sa military na pakawalan na ang kanyang anak kung hawak nila o kaya naman ay tumulong sa pagha­hanap dito upang mapatuna­yan na wala silang kinalaman sa in­sidente.
 Nabatid na umaabot na umano sa 198 ang biktima ng “enforced disappear­ances” sa loob ng anim na taon ng pa­mahalaang Arroyo at maa­aring idagdag na umano dito si Burgos at mga kasamahan kung patuloy na hindi ito maha­hanap.

EDITH BURGOS

JONAS

JONAS JOSEPH BURGOS

JOSE BURGOS

KILUSANG MAGBUBUKID

MELISSA REYES

NABATID

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with