^

Metro

2 nagpatayan sa alak

-
Kapwa patay ang dalawang lalaki makaraang maggantihan ng saksak sa kalagitnaan ng inuman sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Michael Ramos, may-asawa, driver ng 709 Vardadero St., Binondo sanhi ng saksak sa katawan habang idineklara din patay sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Jimmy Cusay, 37, may-asawa ng 794 Vardadero St., Binondo dahil sa tama ng saksak. Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa grupo ng mga kalalakihan na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Eric Delos Arcos ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ni Ramos.

Ayon sa salaysay ni Reynaldo, tatay ni Ramos, bago ang insidente, nag-iinuman umano sila kasama ang iba pang kaibigan nang napadaan ang isa sa suspek na maingay.

Nairita umano si Ramos kaya kinumpronta nito ang suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo subalit natigil ito nang namagitan ang iba pang nag-iinuman.

Umalis sandali ang suspek subalit ilang minuto ay bumalik ito bitbit ang kanyang grupo at kinuyog si Ramos na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BINONDO

DORIS FRANCHE

ERIC DELOS ARCOS

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JIMMY CUSAY

MANILA POLICE DISTRICT

MICHAEL RAMOS

RAMOS

VARDADERO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with