Parking boy binoga
April 30, 2007 | 12:00am
Nasugatan at ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center ang 27-anyos na parking boy na si Jonathan Perez nang barilin siya ng isang guwardiya dahil sa pagpupumilit umano niyang magpaparada ng mga sasakyan sa bawal na lugar.
Tumakas pagkatapos ng pamamaril ang suspek na si Jessie Zilmar, guwardiya na nakatalaga sa 27 Villas Townhouse sa Scout Madrinian St., South Triangle, Quezon City.
Nauna rito, kinompronta ni Zilmar kamakalawa ng hatinggabi si Perez dahil nagpapaparada ito ng mga sasakyan sa tapat ng binabantayan niyang compound.
Pumalag naman umano si Perez hanggang sa magkasagutan ang dalawa. Dito na binunot at pinaputukan ni Zilmar ang biktima saka tumakas. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest