4 na nene minolestiya sa park

Naghihimas ngayon sa rehas na bakal ang isang manyakis na binata makaraang abusihin hindi lang isa kundi apat na nene na may gulang na 10-14 anyos sa isang parke kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Nakilala ang suspect na si Camilo Cruz, 22, at residente ng Brgy. Pineda, Pasig City. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa isang madilim na bahagi ng Batasan Hills Park na dinayo pa ni Cruz upang makapambiktima ng mga batang babae.

Nabatid na nagpapahangin ang mga biktima na may edad na 10, 11, 13, at 14-anyos sa naturang parke nang lapitan ng suspek at nag-alok na makipagbarkada. Nakipagkuwentuhan naman ang mga ito hanggang sa mag-umpisa nang paghihipuan ang mga dalagita sa maseselang bahagi ng katawan. Pinaghahalikan rin umano ng suspek at niyaya na makipagtalik sa kanya ang mga biktima ngunit isa sa mga ito ang nakatakbo at nakapagsumbong sa mga opisyal ng barangay sanhi ng pagkakadakip kay Cruz. (Danilo Garcia)

Show comments