16-anyos hinalay, pinatay
April 28, 2007 | 12:00am
Hinalay muna umano bago pinaslang ang isa sa dalawang dalagita na natagpuang basag ang mukha at nakahandusay sa isang bakanteng lote kahapon ng umaga sa Taguig City.
Ang biktima ay nakilalang si Irene Evangelista, 16, 4th year high school ng Signal Village High School at residente ng 27 Durian St. Purok 10-B Zone 1 Signal Village, Taguig City.
Nakaligtas naman ang kasamang kaklase nito na si Doris‚ 16, at naninirahan sa Block 143 Lot 4 Sitio Imelda Upper Bicutan ng nasabing lungsod at kasalukuyan ginagamot sa Rizal Medical Center sanhi ng tinamong pasa sa katawan, sugat sa mukha at sa ulo.
Ayon kay SPO1 Jhong Cangco ng Criminal Investigation Division (CID) ng Taguig City Police dakong alas-7 ng umaga nang kapwa duguang natagpuan ang mga biktima sa loob ng abandonadong bahay ng sa Durian St. Zone 1 Barangay Signal Village ng nasabing lungsod.
Bago natagpuan ang mga biktima, dakong alas-5 ng madaling-araw ay nakarinig ng ingay at sigaw ng boses ng babae na humihingi ng saklolo si Myra Villareal, 36.
Binalewala ni Villareal ang mga ingay at palahaw ng mga biktima sa pag-aakalang may nag-aaway lamang sa loob ng construction site.
Nang magliwanag, dakong alas-7 ng umaga ay nagtungo si Villareal sa nasabing lugar at doon nga tumambad sa kanyang harapan ang kapwa duguang mga biktima.
Duguan ang mukha at patay na si Evangelista na halos hindi makilala dahil sa ibinagsak na malaking bato sa ulo at mukha nito.
Bukod pa rito ay nakababa ang suot nitong maong pants at nakalislis ang pang-itaas na damit.
Samantala, si Doris ay humihinga pa at may mga sugat din sa ulo at leeg. Agad namang dinala sa pagamutan si Doris upang lapatan ng lunas.
Ayon sa mga awtoridad na isang nagngangalang Mario‚ ang binabanggit ni Doris na kasama nila nang dalhin sila sa naturang bahay.
Nakilala naman ng mga barangay tanod ang binabanggit na pangalan ni Doris na Mario Bustamante, 20. Malaki ang paniwala ng mga pulis na kapwa ginahasa ang dalawang biktima.
Tinungo naman ng mga awtoridad ang bahay ng sinasabing suspect subalit wala na ito doon. (Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended