Guardians nasa likod ni Lim

Dalawang malaking grupong nagsusulong ng mabuting pamamahala, kapayapaan at kaayusan at mga programang para sa mahihirap ang nagpahayag ng suporta kay Senador Alfredo Lim na kumakandidatong muli ngayon sa pagka-alkalde ng Maynila.

Nakilala ang mga grupo na Guardians na bi nubuo ng mga concerned citizens na tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng mga residente sa Tondo at ang People’s Crusade for Good Governance-Manila.

Sinamahan pa ng isa sa mga lider ng Guardian na si Flaviano Concepcion sina Lim at ang runningmate nitong si Joey Hizon sa paglilibot sa mahihirap na lugar sa ikalawang distrito ng Maynila na tinatawag ding "Home Along Da Riles."

Ang PCGGM naman ay nagpakalat sa mga residente roon ng bukas na liham na nananawagan sa pagsuporta sa kandi datura nina Lim at Hizon.

Show comments