Madadaya sa edad niluwagan

Magandang balita sa mga drivers license holders na nagpapatanda ng kanilang edad sa pagkuha ng lisensiya sa Land Transportation Office.

Ayon kay LTO Chief Reynaldo Berroya, tiyak na matutuwa ang naturang mga drayber dahil hindi na niya ipatutupad ang dating parusang ipinapataw sa kanila ng ahensiya.

Anya, aalisin na niya ang isang taong suspension sa lisensya at pagbabalik ng student permit sa naturang mga drayber at sa halip, pagmumultahin na lamang ang mga ito. (Angie dela Cruz)

Show comments