^

Metro

Preso todas sa sobrang init

-
Isang preso ang nasawi sa Caloocan City Jail Management Section sanhi ng sakit nito sa balat dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan sa ngayon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center si Roger Espineda, may kasong theft, nang hindi na nito makayanan ang tindi ng im peksiyon na nasa loob ng kanyang katawan.

Ayon kay SPO2 Victoriano Vergara, chief ng JMS, kamakalawa ng hapon nang isugod nila sa pagamutan si Espineda dahil na rin sa lumulubha nitong kalagayan.

Pinainom ng mga antibiotic sa pagamutan si Espineda subalit hindi na kinaya ng gamot ang impeksiyon na nasa loob ng katawan ng biktima dahilan upang tuluyan na itong mamatay.

Kamakailan lang ay napaulat na nagkakasakit sa pigsa, bulutong-tubig, galis-aso, kurikong, eczema, bungang araw, lagnat at iba pang sakit sa balat ang mga preso sa JMS.

Dahil na rin sa sobrang siksikan at init ng panahon, madaling kumalat ang sakit sa halos lahat ng preso sa loob ng JMS.

Napag-alaman pa na mayroong tatlong selda ang JMS at ang bawat isa nito ay naglalaman lamang ng 10 ngunit bago mamatay si Espineda ay umaabot sa 58 inmate ang nakakulong dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY JAIL MANAGEMENT SECTION

DAHIL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ESPINEDA

ISANG

KAMAKAILAN

LORDETH BONILLA

ROGER ESPINEDA

VICTORIANO VERGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with