Sinabi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Marius Corpus na tumawag na sa kanya ang mga opisyal ng US Embassy at ipinaalam na ibinalik na sa embahada si Smith dakong alas-3:00 ng hapon, kahapon.
Ito’y matapos na aminin ni Corpus na itinago talaga sa mata ng media si Smith makaraang ipalabas ito sa Makati Medical Center na naunang pinagdalhan sa dayuhang preso at inilipat sa ibang pagamutan.
Iniiwasan umano ng embahada ang mga kilos-protesta at pag-uusyoso ng media kaugnay ng kaso ni Smith.
Hindi naman malinaw kay Corpus kung ano ang naging sakit ng preso.