Kontraktor ng NAIA Terminal 3, kakasuhan
April 26, 2007 | 12:00am
Pinag-aaralan na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagsasampa ng kaso laban sa isang kontraktor na gumawa ng NAIA Terminal 3 dahil sa pagmamatigas nito na huwag akuin ang pagkukunpuni sa depektibong NAIA 3.
Ito ang inihayag ni MIAA Gen. Manager Alfonso Cusi na nagsabing posibleng umabot sa pagsasampa ng kaso ang kanilang aksyon laban sa Takenaka Corp. , ang gumawa sa NAIA 3 dahil sa pagtanggi ng mga ito na ii-repair ang mga depektibong slab at gir der,ang mga pahabang konkretong sumusuporta sa mga palapag ng gusali matapos na lumabas na may matinding pinsala ito.
Gayunman, sinabi ni Cusi na nakatakdang makipagpulong ang mga opis yales ng MIAA, Takenaka Corp., TCGI Engineers at ang Ove Arub and Partners na siyang nangasiwa sa inseksyon sa mga sirang slab at girder sa Terminal 3.
Nauna nang sinabi ng mga Japanese engineering experts na nanganganib ang buhay at hindi ligtas sa mga pasahero at empleyado kung ipipilit na buksan ito kahit pa partial opening lamang .
Ayon kay Cusi, gagawan nila ng paraan upang agarang makumpuni ang depektibong bahagi ng NAIA Terminal 3 upang maitakda na rin ang pagbubukas nito sa publiko sa target na petsa sa Agosto. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest