^

Metro

Ama tinodas sa harap ng anak

-
Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ito nang malapitan ng hindi pa nakikilalang gunman sa harapan mismo ng kanyang batang anak na babae kamakalawa sa Pasig City.

Agad na nasawi sa lugar ng insidente ang biktimang si Alicalan Ulama, alyas Ali 32, residente ng M.H. Del Pilar St. Brgy. Palatiw ng lungsod na ito, habang masuwerte na mang hindi nadamay ang batang babae nitong anak na kaangkas niya sa motorsiklo.

Ayon kay SPO2 Felipe Ramos, ng Pasig PNP, naganap ang pamamaslang dakong alas-11:00 ng umaga sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St. Palatiw sa harapan ng Silva Compound.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima angkas ang kanyang anak na nakilalang si Pamela Ulama at bumibili sa isang tindahan ng lapitan ito ng nag-iisang suspect na armado ng kalibre .45 baril at ilang ulit itong pinaputukan sa ulo at katawan.

Matapos ang pamamaslang ay agad na tumakas ang suspect patungo sa hindi mabatid na direksyon. Inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng nasabing insidente. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALI

ALICALAN ULAMA

AYON

DEL PILAR ST. BRGY

DEL PILAR ST. PALATIW

EDWIN BALASA

FELIPE RAMOS

PAMELA ULAMA

PASIG CITY

SILVA COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with