Magkapitbahay biktima ng carnapping sa QC
April 24, 2007 | 12:00am
Muli na namang sumalakay ang mga kilabot na karnaper sa lungsod Quezon kung saan isang negosyante at isang beterinaryo na magkapitbahay ang tinangayan ng kani-kanilang mga sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay kahapon ng umaga.
Nakilala ang mga biktima na sina Reylina Cruz, 44, may-asawa, negosyante, ng #113 Sct. Delgado Street, Brgy. Sacred Heart at si Rommel Umali, 32, beterinaryo, at residente ng #17 Sct. Abardolaza cor. Sct. de Guia, Brgy. Sacred Heart.
Natangay kay Cruz ang kanyang kulay gold na Honda Civic model 1996 na may plakang UCT-969, habang isa ring Honda Civic model 1996 na kulay puti at may plakang UGT-465 naman ang natangay sa biktimang si Umali.
Sa ulat ng Quezon City Police station 10, naganap ang pagtangay sa mga sasakyan ng biktima sa pagitan ng alas-9 kamakalawa ng gabi at alas-6 kahapon ng umaga.
Ayon sa mga biktima, ipinarada nila ang kanilang mga sasakyan tulad ng nakagawian sa tapat ng kanilang bahay. Siniguro naman umano nila na nakakandado ang mga pinto at may steering lock pa ang manibela ngunit hindi pa rin nakaligtas sa mga kilabot na karnaper.
Nagbabala naman ang pulisya sa mga residente ng lungsod ng Quezon na iwasan na iparada ang kanilang mga kotse sa tapat ng kanilang bahay dahil sa pangunahing target ang mga ito ng mga karnaper. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended