^

Metro

Campaign posters ’di papopormahin sa Parañaque

-
Mahigpit na ipinatutupad ng mga opisyal sa Parañaque ang pagbabantay para mapanatiling malinis ang lungsod sa mga campaign posters at election paraphernalias ng mga kandidato. Dahil dito, ipinag-utos ni Mayor Florencio Bernabe Jr. sa Solid Waste and Environmental Services Office chief Willy de Ocampo na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa mga nagdidikit ng mga campaign poster sa mga non-designated places.

"Hindi namin papayagan ang sinumang mga kandidato na i-vandalize ang lungsod para sa kanilang pangangam panya," pahayag pa ni Mayor Bernabe. Idinagdag pa nito na kailangang mamonitor ng mga opisyal ang mga lugar partikular sa mga pangunahing lansangan. Sa ilalim ng batas, ang mga designated poster areas at ang mga plaza, mini parks, basketball copurts, palengke, barangay halls at mga bakanteng lote.

Maaaring ilagay din ang mga poster sa mga pribadong gusali kung ito ay may permiso buhat sa may-ari. Inatasan din ng Mayor si Benjo Bernabe at Louie Perez ng Youth and Sports Development Office para imobilisa ang mga youth volunteers para mapanatiling malinis at poster free ang mga lansangan sa lungsod.

BENJO BERNABE

DAHIL

IDINAGDAG

INATASAN

LOUIE PEREZ

MAYOR BERNABE

MAYOR FLORENCIO BERNABE JR.

SOLID WASTE AND ENVIRONMENTAL SERVICES OFFICE

YOUTH AND SPORTS DEVELOPMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with