Ginang namatayan na, pinagnakawan pa sa burol
April 24, 2007 | 12:00am
Dobleng pagdurusa ang dumating sa isang ginang na namatayan ng mister matapos na pagnakawan pa siya ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na nagkuwaring makikiramay sa burol ng asawa na gagamitin sana sa libing, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.
Dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Carmencita de Guzman, 43, residente ng #11 Raja Humabon, Brgy. Daang-Hari ng nasabing bayan upang isumbong ang pagkawala ng P.1M halaga ng alahas nito, P40,000 cash at $250.
Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakadakip sa tatlong suspek na huling nakitang lumabas sa bahay ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:18 ng madaling-araw nang maganap ang pagnanakaw sa loob ng bahay ni de Guzman kung saan nakaburol ang bangkay ng kanyang mister. Ayon kay Carmencita, umalis muna siya sa bahay upang bumili sa tindahan ngunit nang bumalik ay natuklasan na pinasok na ng mga magnanakaw ang kanyang kuwarto.
Laking gulat na lamang ng biktima nang makita na sira ang likurang pintuan ng bahay nito kung saan nagkalat ang kanyang kagamitan, gayundin ang nakatagong ilang piraso ng alahas at perang nakatabi sa drawer nito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended