Motorsiklo bumaligtad: 1 patay, 1 sugatan
April 22, 2007 | 12:00am
Namatay noon din ang isang 20-anyos na estudyante, habang sugatan ang kaibigan nito nang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Lungsod Quezon.
Nakilala ang nasawing biktima na si Daryll Estrada, nakatira sa #09 Usaffe Rd., Veterans Village, Brgy. Holy Spirit, Quezon City bunga ng tinamong grabeng pinsala sa katawan. Samantala, inoobserbahan naman sa nabanggit na pagamutan ang kaibigan at kapitbahay nito na si Jay-R Sacdalan, 21.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Venus Ormita ng Traffic Sector 5, naganap ang insidente sa T. de Leon St., Pook Ligaya, Brgy. Holy Spirit, dakong alas-2 ng madaling-araw.
Nabatid, na minamaneho umano ni Estrada ang isang Honda XRM motorcycle na may plakang ZK-8274 at kaangkas nito sa likuran si Sacdalan at habang tinatahak ang T. de Leon St. ay nasagasaan ni Estrada ang tambak ng buhangin at graba sa ginagawang kalsada kung saan nawalan ito ng balanse at makailang ulit na bumaligtad.
Ilang saglit ay nakita na lamang ang duguang bangkay ng biktima habang mabilis na isinugod ng mga residente sa pagamutan ang kasamang si Sacdalan. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended